ASIAN GAMES | Meggie Ochoa, nasungkit ang ika-6 na bronze medal ng Pilipinas

Indonesia – Nasungkit ng Pinay ju-jitsu na si Meggie Ochoa ang bronze medal sa nagpapatuloy na 2018 Asian Games na ginaganap sa Indonesia.

Ito na ang ika-anim na bronze medal ng Pilipinas kung saan mayroon na din tayong isang ginto.

Nabatid na nauwi sa all-Filipino ang match up para sa bronze medal nang magharap sina Ochoa at Jenna Napolis para sa third-place match ng Newaza women’s -49 kg ju-jitsu competition.


Facebook Comments