Jakarta, Indonesia – Nabigong umusad sa gold medal match ang dalawang boksingerong sina Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial sa 2018 Jakarta Palembang Asian Games.
Pareho kasing natalo ang dalawa sa dikitang laban nila sa semifinals para makapag-uwi ng bronze medal.
Yumuko si Carlo Paalam kay Amit ng India sa light flyweight division habang isang split decision naman ang naging pagkatalo ni Marcial kay Israil Madrinov ng Uzbekistan sa middleweight semifinals.
Dahil dito, si Rogen Ladon na lamang ang last man standing ng boxing team sa Asiad.
Lalaban si Ladon para sa gold medal sa flyweight division kontra kay Jasurbek Latipov.
Facebook Comments