Indonesia – Nasungkit ni Pauline Lopez ang ika-apat na bronze medal ng Pilipinas sa 2018 Asian Games.
Nabigo si Lopez na talunin si Luo Zhongsi ng China sa score na 11-4 sa semifinals ng women’s -57 kilogram event sa Jakarta Convention Center.
Matatandaan na unang tinalo ni Lopez si Gyani Chunara ng Nepal sa score na 20-0 sa quarterfinals habang and si Xiao Feng ng Macau sa score na 8-0 sa round of 16.
Ito na ang ikatlong medal na nakuha ng Pilipinas sa taekwondo kasunod ng men’s at women’s poomsae teams.
Facebook Comments