ASIAN GAMES | Philippine team, wagi kontra Japan sa men’s basketball tournament

Indonesia – Tinambakan ng Team Pilipinas sa score na 113-80 ang koponan ng Japan sa classification match ng Men’s Basketball Tournament ng 2018 Asian Games.

Bumida sa Pilipinas ang Filipino-German na si Cager Christian Standhardinger na may 27 points, 13 rebounds at tatlong steals.

Nagdagdag naman si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 22 points at siyam na assists.


Dahil dito, nahigitan ng Pilipinas ang naitala nilang record na seventh place noong 2014 Incheon games.

Aabanse na rin sa bakbakan para sa fifth place ang nationals kung saan ang magwawagi sa hiwalay na laban ng Syria at Indonesia ang kanilang makakalaban.

Facebook Comments