ASIAN GAMES | Philippine Women’s Volleyball Team, wagi konta Hong Kong

Tinalo ng Philippine Women’s Volleyball Team ang Hong Kong sa straight sets para maitala ang unang panalo nito sa 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Pinaluhod ng mga Pinay Volleybelle ang Hong Kong, 25-18, 25-21 at 25-22 para putulin ang two-game losing skid ng koponan sa Asiad.

Nagtulong sina Alyssa Valdez, Aby Maraño, Jaja Santiago, Kim Dy at Dindin Manabat para makuha ang panalo.


Sa unang set agad nagpasiklab ang Pilipinas pero bumalik ang Hong Kong sa ikalawa at ikatlong set.

Lamang ang Pilipinas sa second set pero nag-rally ang mga taga Hong Kong para dumikit, 20-16.

Halos ganito rin ang istorya sa third set pero hindi bumitiw ang koponan.

Makakaharap ng Pilipinas ang Indonesia sa Sabado para sa puwesto sa quarterfinals.

Facebook Comments