ASIAN GAMES | Pilipinas – nagtapos sa ika-19 na pwesto

Indonesia – Nagtapos sa ika-19 na pwesto ang Pilipinas sa pagtatapos ng 2018 Asian games sa Jakarta, Indonesia ngayong araw.

Dalawampu’t isang medalya ang naibulsa ng bansa kabilang ang apat na gold, dalawang silver at 15 bronze.

Pinakaunang nagkamit ng gintong medalya si Hidilyn Diaz para sa weightlifting 53 kilogram category.


Gold medalist din si Yuka Saso para sa golf competition women’s individual category at isa pang gold para sa women’s team category kasama si Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go.

Ang isa pang ginto ay nasungkit ni Margielyn Didal sa skateboarding.

Ang dalawang silver medal naman ay nakuha nina Ragon Ladon para sa men’s fly 52 kg category sa boxing at Kiyomi Watanabe para sa women’s 63 kg category sa judo.

Habang ang 15 bronze ay nasungkit ng mga pambato ng pilipinas sa larong golf (1), boxing (2), pencak silat (4), taekwondo (3), wushu (2), cycling bmx (1), ju-jitsu (1) at karate (1).

Ngayong araw ang closing ceremony ng 2018 Asian games.

Facebook Comments