ASIAN GAMES | Pinay karateka, nasungkit ang pang-12 bronze medal ng Pilipinas

Indonesia – Nasungkit ng Filipina-Japanese Karateka Junna Tsukii ang pang-labing dalawang bronze medal ng Pilipinas sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Tinalo ni Tsukii ang pambato ng Thailand na si Paweena Raksachart sa women’s -50kg sa score na 4-1.

Ito ang unang medal ng Pilipinas na nagmula sa larangan ng karate.


Sa ngayon, nasa ika-19 puwesto ang bansa sa medal tally na may tatlong ginto at 12-bronze medals.

Facebook Comments