Indonesia – Nasungkit ng Pinay wushu na si Divine Wally ang ikalimang bronze ng Pilipinas sa 2018 Asian Games na ginaganap sa Indonesia.
Natalo si Wally sa pambato ng Iran na si Elaheh Mansoryan Samiroumi, 2-1, sa semifinals ng women’s -52kg sanda.
Samantala, hindi nakaporma ang Philippine Blu Girls sa Chinese Taipei sa kanilang naging laban para sa women’s softball tournament.
Natalo ang Pilipinas sa score na 3-2 kung saan makakaharap nila ulit ang Chinese Taipei sa Huwebes (August 30) at posibleng makuha nila ang bronze medal kung babawian nito ang kalaban.
Facebook Comments