ASIAN GAMES | Roger Ladon, target ang bronze medal sa kaniyang laban kontra Kazakhstan

Indonesia – Patuloy pa rin ang pagsusumikap ng boxing team na makapag-ambag ng medalya sa 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Mamayang gabi aakyat sa ring si Rogen Ladon para sa kaniyang quarterfinal encounter sa 52 kilogram division kontra kay Azat Mahmetov ng Kazakhstan.

Kung mananalo ang Rio Olympic veteran ay awtomatikong makukuha na nito ang bronze medal.


Tatangkain din nina Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial na makakuha ng medalya matapos umuusad sa quarterfinals.

Sa athletics, hindi pinalad ang mga pambatong sina Eric Cray at Maristella Torres-Sunang.

Nasa ikasiyam lang na puwesto si Sunang sa long jump sa kaniyang talon na 6.15 meters.

Pampito naman si Cray sa finals ng 400 meter hurdles sa kaniyang oras na 51.53 seconds.

Facebook Comments