Indonesia – Pumutok ang inasaasahang opensa ng South Korea sa 4th quarter para talunin nito ang Gilas Pilipinas, 91-82 sa quarterfinals ng men’s basketball ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.
Lamang ang Pilipinas sa third quarter dahil sa mainit na mga kamay ni Jordan Clarkson pero sunud-sunod na turnover at ang mainit na three-point shooting ng South Korea ang nagbigay ng momentum sa defending Asian Games champions papunta sa pay-off period.
Isang 27-17 run ang ibinagsak ng South Korea sa 4th quarter para sipain ang Gilas sa medal round.
Pinangunahan ni Clarkson ang Pilipinas sa kaniyang 25 points at walong rebounds habang nag-ambag naman ng 16 points at 9 rebounds si Christian Standhardinger.
Facebook Comments