ASIAN GAMES | Swimmer Roxanne Yu nabigong makakuha ng ginto sa 200M final

Indonesia – Hindi pinalad na makakuha ng podium finish ang swimmer na si Roxanne Yu sa 200 meter final sa pagpapatuloy ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia.

Pangwalo lamang kasi si Yu sa kaniyang event na napanalunan ni Daiya Sato ng Japan na naungusan ang teammate nito na si Nao Horomura. Bronze medal naman ang nakuha ni Zhuhao Li ng China.

Tinalo naman ng Pinay Blu Girls ang Hong Kong, 8-0 sa elimination round ng women’s softball.


Sa ngayon, nanatiling may dalawang tansong medalya ang Pilipinas mula sa men’s and women’s poomsae events sa loob ng dalawang araw ng bakbakan sa Asiad.

Dahil dito nasa ikawalo sa overall standing ang Pilipinas kasosyo ang Vietnam.

Nangunguna pa rin ang China na may anim na ginto, tatlong silver at tatlong bronze medal.

Facebook Comments