ASIAN GAMES | Team PH, nasungkit ang pang-5 pwesto sa Men’s Basketball Tournament

Jakarta, Indonesia – Nasungkit ng Team Philippines ang ikalimang puwesto sa men’s basketball tournament ng 2018 Asian Games.

Tinambakan nila ang nakalabang Syria sa score na 109-55.

Nanguna sa panalo ng bansa si Fil-Am NBA Guard Jordan Clarkson na may 29-points habang 27-points at 15-rebounds naman ang nai-ambag ni Christian Standhardinger.


Nabatid na babalik na ng Amerika si Clarkson para sa training camp ng Cleveland Cavaliers pero nais nitong muling maglaro sa susunod na Asian Games para muling ire-present ang bansa.

Facebook Comments