ASIAN GAMES | Toledo umayaw sa decathlon; Mga Pinoy athlete di nakaporma sa ju-jitsu, karatedo at marathon

98

Indonesia – Kahit nanalo ng dalawang ginto sa Women’s Golf, patuloy naman na inaalat ang kampanya ng mga Pinoy Athlete sa iba pang larangan sa 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.

Ang inaasahang podiumfinish ni Aries Toledo sa decathlon ay naglahong parang bula matapos itong umayaw dahil sa elbow injury.


Tatlong event na lamang ang natitira para makumpleto ni Toledo ang kompetisyon pero kailangan nitong mag withdraw matapos mabagsakan ng crossbar ang kaniyang siko habang nagpa-practice ito sa pole vault.

May pag-asa sana si Toledo na makuha ang silver o bronze medal sa decathlon.

Hindi nakapasok sa medal round sina Adrian Guggenheim sa Ju-jitsu; at mga karateka na sina Mae Soriano at Jasyon Macaalay.

Bigo rin sa podium finish si SEA GAMES Champion Mary Joy Tabal sa Women’s Marathon.




Pang-labing isa lamang si Tabal, may labing-pitong minuto sa likod ng kampeon na si Rose Chelimo ng Bahrain.

Facebook Comments