ASIAN GAMES | Women’s volleyball team ng Pilipinas, hindi mamaliitin ang Hong Kong

Indonesia – Hindi mamaliitin ng Philippine women’s volleyball team ang Hong Kong sa paghaharap nila mamayang ala 1:30 ng hapon sa Asian Games.

Ito ay kahit ilang beses nang tinalo ng Pilipinas ang Hong Kong sa volleyball.

Kailangang manalo ng Pilipinas sa Hong Kong at Indonesia para makapasok sa quarterfinals.


Nauna na kasi silang tinalo ng Thailand at Japan.

Binubuo ang national team nina Alyssa Valdez, Mika Reyes, Aby Marano, Maika Ortiz at ilan pang mga sikat na volleyball players ng Pilipinas.

Facebook Comments