Asian hospital, punuan na rin ang COVID-19 wards

Nag-abiso na rin ang Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City na puno na ang kanilang COVID-19 wards.

Bunga nito, pinayuhan ng pamunuan ng ospital ang mga pasyenteng suspect, probable at confirmed COVID-19 patients na magtungo na muna sa ibang institusyon.

Tiniyak naman ng Asian Hospital na patuloy pa rin silang tumatanggap ng non-COVID patients na outpatient at inpatient.


Patuloy rin anila ang serbisyo ng kanilang eConsults at online appointments para sa anumang medical needs.

Facebook Comments