Asistio, magsusumite ng mga dokumento sa ICI; nilinis ang pangalan sa korapsyon

Magsusumite ng mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Caloocan 3rd District Rep. Dean Asistio.

Sa ambush interview sa ICI, sinabi ni Asistio na kabilang sa mga dokumentong kanyang isusumite sa Komisyon ay ang hinggil sa nangyaring pagpopondo sa kanyang distrito para makita kung saan nagkaroon ng discrepancy.

Nilinaw naman ng mambabatas na wala siyang kinalaman sa nasabing katiwalian.

Aminado naman si Asistio na minsan niyang nakaharap sa isang event sa Camp Aguinaldo sa Quezon City ang mag-asawang Discaya.

Nilinaw naman ni Asistio na wala siyang idinawit na mga pangalan sa kanyang pagharap sa ICI.

Gayunman, handa aniya siyang humarap muli sa Komisyon sakaling may mga dapat na itanong sa kanya.

Facebook Comments