ASO MO, ITALI MO, PANAWAGAN NGAYON NG LGU SISON PARA SA MGA PET OWNERS SA KANILANG BAYAN

Aso mo, itali mo; yan ang panawagan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Sison sa mga residente nitong nagmamay-ari ng mga alagang hayop lalo na ang mga may alagang aso.
Ang panawagan na ito sa official facebook page ng naturang lokal na pamahalaan ay dahil sa patuloy umano na pagdami ng bilang ng mga nalalagay sa peligro dahil sa kagat ng mga pagala-galang aso pati na arin aksidente na may kinalaman sa mga asong gala.
Kaya naman bilang naisip na solusyon para rito ay lalong pinaiigting ng mga ito sa kanilang lugar ang pagpapatupad ng Municipal Tax Ordinance No. 2022-001 simula June 19, 2023.

Mahigpit ang paalala sa publiko lalo na sa mga pet owners sa pagiging responsableng pet owners at siguruhing nasa kulungan o nakatali ang kanilang mga alagang hayop.
Ang sino mang pet owner ang hindi susunod sa naturang patakaran at makita mang pagala-gala ang kanilang mga alagang hayop ay haharap sa ilang karampatang multa bilang parusa.
Sa inilabas na paalala ng LGU Sison sa kanilang facebook page ang multa ay nag-uumpisa sa 500 pesos bilang first offense, 750 pesos para sa second offense, at 1,000 pesos para sa third offense. |ifmnews
Facebook Comments