Aso na 4 taon nang nawawala, natagpuan

COURTESY OF CLARK COUNTY, OHIO

Nakabalik na sa pamilyang nagmamay-ari ang isang aso sa Ohio na apat na taon nang nawawala.

Natagpuan ng mga taga Clark County Dog Shelter si Smiley na pagala-gala lang sa kalye sa Springfield.

Masuwerte namang may naka-embed na microchip sa aso kaya napag-alaman na ang may-ari nito ay nasa Columbus, 50 milya ang layo kung saan natagpuan ang aso.


Sinigurado ng mga nagmamay-ari kay Smiley na updated ang data nito sa microchip kahit na matagal na itong nawawala.

Tatlong oras lang ang nakalipas nang agad sinundo ng mga may-ari mula pang Columbus si Smiley.

Kuwento nila, sinubukan na nilang hanapin ang alaga ngunit hindi pinalad.

Hindi naman malinaw kung paanong nakarating sa Clark County ang aso.

Iginiit ng dog shelter ang kahalagahan ng pagkakaroon ng microchip sa mga alaga.

Facebook Comments