Aso na ihahatid na sana sa bagong pamilya, namatay habang nasa biyahe

233
Yorkshire Terrier

Wala ng buhay nang dumating ang aso na kinasasabikang salubungin ng isang pamilya sa California, US.

Namatay ang 12-linggong-gulang na Yorkshire Terrier na si Sebastian habang sakay ng Delta Air Lines mula Ohio patungong LAX.

Binili ni Cory Mcjimson ang aso para sana iregalo sa ika-5 kaarawan ng anak niyang babae, ayon sa ulat ng TMZ noong Pebrero 28.

Sinundo ng tatay si Sebastian sa cargo office ng Delta, ngunit hindi na ito gumagalaw at humihinga nang buksan niya ang kulungan.

Agad niya itong ipinaalam sa awtoridad ngunit idineklarang patay na ang aso kinagabihan.

Hindi naman agad sinabi ni Mcjimson sa mga anak ang sinapit ng aso dahil ayaw niya raw na ikalungkot ito ng mga bata.

Sa inilabas na pahayag ng Delta, sinabi nilang iniimbestigahan na ang insidente at iginiit na mahalaga sa kanila ang kapakanan ng mga hayop na importanteng miyembro ng pamilya.




Hindi naman malinaw kung makakatanggap ng kabayaran si Mcjimson mula sa Delta o sa breeder ng aso.

Noong 2018, isang Pomeranian na rin ang namatay sa biyahe sa Delta, habang dalawa naman sa KLM nakaraang taon, ayon sa ulat

Facebook Comments