Aso na iniligtas sa pag-aakalang na-trap sa kotse, laruan lang pala

596
via Facebook/ Spotted Weston-super-mare

Dismayado ang isang lalaki sa England, matapos datnan na binasag ng ibang tao ang bintana ng kanyang kotse sa pag-aakalang may nakulong na aso sa loob.

Sa isang Facebook page para sa mga residente ng Weston, ibinahagi ng galit na lalaki ang nagyari sa kanyang kotse.


Wala pa raw isang oras nang iwan niya ang sasakyan para mag-shopping.

Pagbalik, inabutan niya ang basag na bintana at mga taong inakalang buhay na tuta ang naiwan sa loob ng mainit na sasakyan kaya sinubukan itong sagipin.

Laruang aso lamang pala ito na pagmamay-ari ng kanyang anak na babae.

Kung pagbabasehan ang larawang ipinost niya, tila totoo at buhay na aso nga naman ang laruan, kaya ayon sa netizens, baka ganoon din ang ginawa nila kung sakaling sila ang nakakita rito.




“To be honest I would have done the same thing, that toy dog looks very realistic and would have been an easy mistake to make, and as plenty of other people have said it’s better to be safe than sorry I would rather have had your smashed window on my continence than your dead dog #justsaying”

“I’d have broken your window too, crazy to leave such a realistic looking dog there in such heat!”

“Well done to the person who did it thinking it was a real dog, be thankful people care.”

Facebook Comments