Aso, patay matapos protektahan ang mga amo laban sa cobra

778

Dalawang aso ang matapang na nakipaglaban sa isang makamandag na cobra para mailigtas ang kanilang mga amo sa Kidapawan City.

Sa kasamaang palad, namatay ang asong si Miley, isa sa dalawang Dachshund na nakipaglaban, minuto lamang matapos siyang matuklaw ng ahas, habang ang isa naman ay nabulag nang matalsikan ng kamandag sa mata.


Sa Facebook post ng kanilang amo na si Jaime Selim, makikita sa CCTV footage ang cobra na sumubok pumasok sa kanilang bahay sa Barangay Lanao nitong Biyernes, pero pinigilan ng dalawang aso.

Kinakagat-kagat ng dalawang aso ang ahas para itaboy ito, ngunit tila mas lumalakas ang ahas bawat atake ng dalawa.

Gayunpaman, hindi natinag ang dalawang tapat na aso hanggang tuluyan nilang napatay ang makamandag na ahas, kasabay ang pagkamatay din ni Miley.

Dinala naman sa beterenaryo ang nakaligtas na aso para gamutin ang napinsala nitong mata.

Labis ang pasasalamat ni Selim sa hindi matatawarang katapangan ng mga aso.

Dahil sa mga ito, nailigtas ang 1-anyos na anak ni Selim na natutulog sa kuwarto sa mga oras na iyon.

Facebook Comments

From Advertisers