Aso sa Davao City, patay sa saksak ng pulis na natalo sa sugal

618
Facebook/Pet Avenue

Sinubukan pang isalba ngunit namatay rin ang isang aso na pinagsasasaksak umano ng isang pulis na natalo sa sugal, sa Davao City.

Lumalabas na pinagbuntungan ng galit ang aso matapos matalo sa mahjong ang pulis na napag-alamang mula sa Police Security Protection Group (PSPG) ng lungsod.


Base sa blotter ng San Pedro Police, sinabi ng isang Noel Abanales na nasa lamay umano sila ng kapitbahay, Agosto 13 ng gabi, nang sinaksak ng pulis ang aso.

Dinala pa sa beterinaryo ang alaga ngunit namatay rin kalaunan.

Sa Facebook page naman ng Pet Avenue, kung saan ibinahagi rin ang video ng asong sinusubukan pang isalba, sinabing wala pang naghahain ng reklamo dahil takot ang may-ari sa pulis at mga koneksyon nito.

Samantala, kinondena ng Animal Rescue Rehabilitation and Fostering (ARRF) ang insidente at nanawagang panagutin ang pulis.

Facebook Comments

From Advertisers