Aso, sinaksak ng magnanakaw habang pinoprotektahan ang mga amo sa araw ng Pasko

Stock photo

Muntik nang ikamatay ng isang alagang aso ang tinamong saksak matapos pigilan ang hinihinalang magnanakaw sa bahay ng mga amo sa Indianapolis, US, noong araw ng Pasko.

Naniniwala ang pamilya Gray na tinangka ng asong si Skee na harangin ang panghihimasok ng suspek sa kanilang garahe, ayon sa ulat ng Fox News.

Inabutan pa umano nila ang lalaki sa malapit na kanto at kinompronta, ngunit itinanggi nito ang pananakit sa aso at sinabing tinapunan niya lang ito ng inumin.


Nagtamo ng sugat sa leeg na may lalim na nasa 4 hanggang 5 pulgada si Skee na agad namang isinugod sa Indianapolis Animal Care Services.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa kanilang bahay ang aso na kapapanganak lamang ilang linggo bago nangyari ang insidente.

Hindi naman malinaw kung dinakip ng pulisya ang hinihinilang magnanakaw.

Facebook Comments