Asong Kalye, Hirap ng Okupahin sa Pasilidad dahil sa Pagdami ng Bilang- City Veterinarian

*Cauayan City, Isabela*- Dumarami na ang bilang ng mga alagang aso na nahuhuli sa mga pampublikong lugar ng Cauayan City Veterinary Office.

Ayon kay City Veterinary Officer Dr. Ronald Dalauidao, halos mapuno na ang mga nahuhulihing asong kalye na nasa ‘Animal Catching Facility’ kung kaya’t hirap na ang kanilang tanggapan para okupahin pa ang dagdag na mahuhulihang mga asong pagala-gala.

Kaugnay nito, sakaling hindi makuha sa impounding facility ang mga nahuling aso sa loob ng dalawang (2) ay isasailalim ang mga ito sa tinatawag na ‘mercy killing.’


Aabot naman sa 50 na libong aso ang hindi pa nababakunahan dahil sa kakulangan na rin ng gamot para sa mga ito.

Nagpaalala naman ito sa lahat ng mga nagmamay-ari ng mga aso na tiyaking nasa bisinidad ng kanilang bahay ang mga alagang aso upang maiwasan ang anumang insidente.

Facebook Comments