Mahigit 200 mga miyembro ng Tunggol Farmers Association ang nakatanggap ng 90HP Tractor na may kasamang Farm Implements mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa isinagawang turn-over ceremony sa Sitio Katitisan, Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.
Pinangunahan ni Regional Secretary of DAR-ARMM, Dayang Carlsum Sangcula-Jumaide ang distribusyon.
Sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project, (CRFPSP), ang naturang farm machineries at equipments ay makakatulong na mapalago ang farm productivity ng Tunggol Agrarian Reform Community na ang kabuhayan ay apektado ng Climate Change.
Laging handa ang DAR-ARMM na magbigay ng kung ano ang para sa kanilang mga benepisyaryo dahil ang Programang Agraryo ng ARMM ay sumisentro sa mga ito, ayon kay Sec. Jumaide.
Hindi lamang umano ang mga miyembro ng asosasyon ang makikinabang sa naturang mga pasilidad kundi maging ang mga kalapit Agrarian Reform Beneficiaries Associations (ARBOs), Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs)at iba pang maliliit na magsasaka na malapit sa project site.
Asosasyon ng mga magsasaka, nakatanggap ng Farm Machineries at Equipment project!
Facebook Comments