ASOSASYON NG MGA PAMILYA NG OFW SA SAN MANUEL, MULING BINUHAY

SAN MANUEL, PANGASINAN – Binigyang-buhay ng Lokal na Pamahalaan ng San Manuel ang matagal nang ‘di-aktibo na Overseas Filipino Workers Family Association sa pamamagitan ng isang pagpupulong.

Ayon kay Mayor Kenneth Marco S. Perez, bubuhayin ng LGU ang naturang asosasyon para matulungan umano ng pamahalaan ang mga kababaihan na nangingibang-bansa.

Kasama sa pulong ang mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Provincial Employment Services Office (PESO) na nagbigay ng pagtuturo kung ano ang gampanin ng asosasyon at mga benepisyong makukuha nito mula sa pamahalaan.


Samantala, naluklok na Pangulo ng nasabing asosasyon si Randy ‘Bong’ Valenzuela.

Facebook Comments