Asosasyon ng Pampanga truckers at haulers, binarikadahan ang entry at exit points ng North Luzon Expressway sa Central Luzon

202

Binarikadahan ngayon ng mga opisyal at miyembro ng Pampanga Truckers and Haulers Association ang entrance at exit points ng North Luzon Expressway.

Partikular dito ang Mabalacat exit, Angeles City exit, San Simon exit, San Fernando exit.


Ayon kay Bong Lansang, ito ay may kaugnayan sa kanilang kahilingan sa management ng NLEX na sila ay papasukin na sa NLEX at ang selective umano at hindi patas na pagtrato sa kanila bilang truckers at haulers

Nitong Biyernes ay nagpatawag ng pulong itong si Pampanga Governor Dennis Pineda para pagharapin at dinggin ang magkabilang panig pero tanging mga Pampanga truckers lang ang dumating at no show ang mga taga-NLEX management kaya’t nagdesisyon na itong mga truckers na ituloy na ang protesta.

Nagsimula ang protesta kaninang alas-6:00 ng umaga at anila hindi sila aalis sa mga nabanggit na exit at entry points ng NLEX hangga’t hindi nakikipag-usap hanggang sa pakinggan ang kanilang kahilingan.

Sa ngayon ay wala pang official statement ang NLEX management hinggil dito.




Facebook Comments