Inanunsyo ng Cebu Pacific na bukas na ang kanilang application process para sa Cadet Pilot Program.
Ang nasabing programa ay sinimulan nitong Biyernes February 15 at magtataggal hanggang February 24.
Ayon kay CEB Spokesperson Charo Lagamon inilunsad ang programa noon pang 2017 kung saan gumagamit sila ng “study now, pay later” scheme para sa mga aspiring pilots.
Sinabi pa nito na nasa ika-anim na silang batch sa ngayon.
58 cadets na ang nakapagtapos mula sa 4 na batches at 15 naman mula sa ika-limang batch ay nakatakdang lumipad pa abroad para sa kanilang training.
Paliwanag nito ang mga successful applicants ay dumadaan sa mahigpit na training kabilang ang 52 week integrated flying program, flight theory at education course sa Flight Training Adelaide sa Australia.
Matapos ang 52 weeks na training babalik ang mga ito sa Manila para sa panibagong 4 na linggong training para naman makakuha ng pilot’s license sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ang mga pasadong trainees ay garantisadong matatanggap ng nasabing airline company.
Nabatid na nagtalaga ng USD 25 million ang Cebu Pacific para sa naturang programa para sa susunod na 4 na taon.