Assassination plot kay VP Duterte, posibleng ‘peke’ rin katulad ng mga pekeng pangalan na nakalagay sa mga resibo na tumanggap ng confidential funds nito

Buo ang paniniwala ni Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na “peke” ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na may banta sa kanyang buhay.

Sinabi ito ni Acidre, makaraang ihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na wala silang natatanggap na report na may nagbabantang pumatay kay VP Sara.

Giit ni Acidre, ang banta sa buhay ni VP Sara ay kasing-peke rin ng Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin at 405 pa na mga pangalan na nakasaad sa mga acknowledgement receipt na walang record sa Philippine Statistics Authority o PSA.


Ang nabanggit na mga pekeng pangalan ay kasama sa liquidation reports na isinumite ng Office of the Vice President at Department of Education sa Commission on Audit bilang patunay ng paggastos sa kabuuang P612.5 milyong confidential fund.

Sa tingin naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, ang sinasabi ni VP Duterte na tangka sa buhay niya ay maaaring paraan upang humingi ng simpatiya sa publiko.

Facebook Comments