Alas-10:00 ng umaga ay magsasagawa ng assembly ang lahat ng available na tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa General Headquarters, Philippine Military Academy, Philippine Merchant Marine Academy, Air Force Flying School, at lahat ng kampo militar sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo bilang bahagi ng tradisyong militar upang pormal na ianunsyo ang pagpanaw ng kanilang dating Commander-in-Chief.
Bahagi rin ng tradisyon ang pagbibigay ng 21-gun salute sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanyon sa mga kampo militar.
Pero ang 21 gun salute ay igagawad sa araw ng libing ng dating pangulo bukas.
Maliban dito, sinabi ni Arevalo na pagkakalooban ng militar ng “honors” ang dating Pangulo katulad ng paghanay ng kanilang mga tauhan sa daan mula sa lugar na pinagdausan ng necrological service patungo sa kanyang huling hantungan.
Sa ngayon aniya naghihintay lang ng abiso ang militar mula sa pamilya Aquino para sa mga pinal na paghahanda.