Assembly Test ng 1st Quirino Ready Reserve Infantry Battalion, Muling Isasagawa

Diffun, Quirino – Bilang pagtalima sa kautusan ng Army Reserve Command ng Pilipinas, muling isasagawa sa bayan ng Cabarroguis sa Quirino ang Assembly Test para sa 1st Quirino Ready Reserve Infantry Battalion ng probinsya.

Sa ipinarating na liham sa RMN Cauayan News Team ni Battalion Commander Lt. Col. Samuel O. Benigno ng Quirino Community Defense Center, layunin umano ng nasabing Assembly Test na subukin ang kahandaan at kakayahan ng kanilang hanay na tumugon sa tawag ng tungkulin gaya ng digmaan, rebelyon, mga kalamidad at sakuna, banta sa kaligtasan at kapayapaan ng pamayanan, pati na rin sa pag-alalay sa pagbibigay tulong sa mga relief and rescue operation at iba pang serbisyo para sa komunidad.

Ito ay bilang tugon na rin sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na palakasin ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.


Dahil dito, inaanyayahan din ang lahat ng kabilang na army reservist sa probinsya na makilahok sa gagawing assembly test sa darating na Enero 20, 2018, alas siete y media ng umaga sa Gymnasium ng Provincial Capitol sa Cabarroguis Quirino.

Ang nasabing Assembly Test ng 1st QRN Ready Reserve Infantry Battalion ay una ng isinagawa noong ika 21 ng Oktubre, 2017.

Facebook Comments