
Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na patuloy ang kanilang “on ground assessment” ng mga airport.
Ito’y upang matiyak ang structural integrity ng naturang paliparan.
Ayon sa CAAP, agad nilang sinimulan ang pagkukumpuni sa mga nasirang parte ng passengers terminal building ng Bicol International Airport dulot ng nagdaang Super Typhoon Uwan.
Bukod pa rito, ipinag-utos ni Transportation acting Secretary Giovanni Lopez ang “on ground assessment”naman sa mga transport hub na tinamaan ng nagdaang bagyo para agad itong makumpuni at magamit ng mga commuter at mga pasahero.
Sa pangkalahatan, maayos ang Bicol Airport at wala masyadong nasira sa malaking bahagi ng paliparan.
Facebook Comments









