ASSESSMENT | DENR, nakahandang tumugon kaugnay ng isyu ng Benham Rise

Manila, Philippines – Nakahanda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumugon matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dayuhang eksplorasyon sa Benham Rise.

Ayon kay Usec. Jonas Leones, magsasagawa ng assessment ang ahensya sa resulta ng Biodiversity Research and Exploration doon.

Sinabi ni Usec. Leones na nakahanda ang Mines and Geosciences Bureau na ituloy ang exploration sa area na kinakitaan na mayaman sa deposito ng Manganese.


Ang Manganese ay isang mahalagang yamang mineral na gamit sa pag gawa ng bakal.

Sa ilalim aniya ng 2018 budget, mas naglaan pa ang ahensya ng sapat na pondo para ipagpatuloy ang research and exploration.

Target ng DENR na makabili ng modernong kagamitan na makakatulong sa MGB sa paghahanap naman ng potensyal na gas deposit sa Benham Rise.

Facebook Comments