Assessment ng DOH sa pinal na listahan ng mga paaralang isasalang sa face-to-face classes, hinihintay na ng DepEd

Hinihintay na ng Department of Education (DepEd) mula sa Department of Health (DOH) ang listahan ng 638 mga eskwelahan na una nang pumasa sa eligibility criteria para sa pilot face to face classes.

Ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan, ongoing na ang revalidation sa school safety assessment at risk classification ng mga paaralan na nasa listahan.

Habang bukod pa ang pag-alam sa vaccination status ng mga guro kung anong mga eskweahan ang fully vaccinated na ang school personnel, upang masala ang 120 schools na isasama sa pilot face-to-face classes.


Nabatid na mula sa kabuuang listahan ng nominated schools, sampung rehiyon ang may 50 paaralang inilista habang ang National Capital Region (NCR) ay mayroong 36.

Inamin naman ni Nepomuceno na hindi agad sisimulan ang face-to-face classes dahil magkakaroon pa ng orientation period para ito ay mapaghandaan.

Facebook Comments