Assessment ng PNP sa mga nasirang pasilidad ng ahensiya dahil sa Bagyong Rolly, nagpapatuloy

Photo Courtesy: Daraga Mps Albayppo

Sakaling matapos na ang assessment ng Philippine National Police (PNP), tiniyak nilang agad na magsasagawa ng pagsasaayos sa mga pasilidad nila na nasira ng Bagyong Rolly.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Ysmael Yu na bukod sa mga nasirang PNP facilities ay tutulungan din nila ang mga pulis na apektado ng pananalasa ng bagyo.

Una rito, tumulong na rin ang mga pulis na nasa apektadong mga lugar na magsagawa ng clearing operations sa mga highway at kalsada para matiyak na magiging maayos ang pagdadala ng relief operations.


Bukod diyan, patuloy pa rin aniya ang isinasagawang rescue operations ng PNP para sa mga residente sa Bicol Region.

Facebook Comments