Assessment report ng World Bank sa mga mag-aaral sa bansa, magsilbing wake-up call sa pamahalaan

Umapela si ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro na magsilbing wake-up call sa Duterte administration ang resulta ng report ng World Bank patungkol sa mga estudyanteng Pilipino.

Batay sa assessment report ng World Bank, 80% ng mga mag-aaral sa Pilipinas ang bagsak o mas mababa pa sa minimum level ang proficiency para sa kanilang grade level.

Ayon kay Castro, hindi na nakakagulat ang assessment report sa mga estudyanteng Pilipino dahil hindi naman naging prayoridad ng gobyerno ang edukasyon lalo pa nang tumama sa bansa ang pandemya.


Kasabay nito ay ipinanawagan ni Castro kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura na ang K-12 program na bukod aniya sa “chopsuey method” ay napatunayang hindi ito epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa halip ay dapat aniyang lumikha ng isang curriculum na makatutugon sa pangangailangan ng lipunan at pinayuhan din ng mambabatas ang gobyerno na mag-invest sa edukasyon upang masolusyunan ang mga isyung may kinalaman sa pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.

Facebook Comments