Assessment sa COVID-19 pandemic response ng Pilipinas, dapat seryosohin

Umapela si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na seryosohin ang mga assessment hinggil sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Kasunod ito ng inilabas na ulat ng Australia-based think tank na Lowy Institute kung saan isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang marka sa usapin ng pagtugon sa pandemya.

Giit ng Bise Presidente, sa halip na dumepensa, dapat na tanggapin na lang ng gobyerno ang mga pagkukulang nito at maghanap ng solusyon.


“Parati na natin ‘tong sinasabi, para tayong sirang plaka… Sana yung mga ganitong assessment, seryosohin instead na depensahan, tanggapin, hanapan ng solusyon. Kasi hanggang ngayon Ka Ely, pag pinakinggan natin, dinedepensahan pa rin. Mahirap kasi pag dinedepensahan kasi, ikaw kontento ka na sa ginagawa mo e. ‘Pag kuntento ka na sa ginagawa mo hindi ka nag-i-improve, yun ang mahirap sa’tin,” saad ni Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

Dagdag pa ni Robredo, mas makakatulong kung pag-aaralan ng pamahalaan ang ginagawa ng mga bansang may mahusay na pagtugon sa pandemya.

“Sobrang baba ng score natin sa efficiency ng pandemic response, sana may mga aral na mapulot tayo dun sa mga better performing na mga bansa kasi nakakatulong talaga nap ag-aralan yung mga ginagawa nila,” ani Robredo.

Sa kabuuan, nasa pang-79 ang Pilipinas mula sa 100 mga bansang kasama sa pag-aaral.

Ang ilan sa mga bansa sa Southeast Asia na kabilang sa matataas ang grado ay Vietnam, Thailand, Singapore, Malaysia at Myanmar.

Facebook Comments