Assessment sa performance ng mga estudyante, malaking hamon sa blended learning – Briones

Malaking hamon sa pagpapatupad ng distance o blended learning ang pagsasagawa ng assessment sa performance ng mga estudyante.

Matatandaang nagpatupad ang Department of Education (DepEd) ng streamlined curriculum para sa School Year (SY) 2020-2021.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahirap i-assess kung ang isang bata ay natuto o nakapag-comply sa lahat ng requirements.


Noon, sinabi ni Briones na ang mga estudyante ay kailangang kumuha ng exam, magpasa ng written reports, homework, at projects at bibigyan sila ng grado batay sa fulfillment ng academic requirements.

Pero sa blended learning, nakatuon ito sa performance ng mga bata.

Para tulungan ang ibang estudyante, ang DepEd ay nagsasagawa ng remedial classes.

Facebook Comments