Assessment sa posibleng pagtaas ng Alert Level 4 sa Lebanon, sinimulan na ng pamahalaan

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang posibleng pagtataas sa Alert Level 4 ng sitwasyon sa Lebanon dahil sa lumalalang tensyon doon.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na sinimulan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-e-evaluate sa sitwasyon.

Sila naman aniya sa DMW ay naghihintay lamang ng abiso kung idedeklara na ba ang Alert Level 4 sa Lebanon.


Sa ilalim ng Alert Level 4, ipatutupad na ng pamahalaan ang mandatory repatriation.

Hindi pa aniya masabi ni Cacdac kung kailan matatapos ang review kaugnay rito pero nakahanda naman ang pamahalaan sa paglikas ng 11,000 Pinoy sa Lebanon.

Samantala, inaasahan namang darating sa bansa ang 11 OFW sa weekend sa pamamagitan ng tatlong magkakaibang flights.

May naka-book na rin umanong commercial flights para sa 192 na Pinoy, mula October 11 hanggang hanggang October 28.

Facebook Comments