
Muling magpupulong ngayong hapon ang Asset Recovery Technical Working Group (TWG) ng Independent Commission for Infrastructure sa Taguig City.
Ito ay sa pamumuno ni Atty. Renato Paraiso, Acting Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
Tatalakayin sa pagpupulong ng TWG ang nagpapatuloy na inter-agency coordination efforts para mabawi ang ari-arian ng mga nakinabang sa anomalya sa flood control projects.
Ito ay ikalimang pagpupulong ng Asset Recovery Technical Working Group ng ICI.
Huling nagpulong ang TWG nitong December 16, 2025.
Facebook Comments










