ASSET | Undersecretary Abella, malaking tulong sa DFA

Manila, Philippines – Mainit ang naging pagtanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkakatalaga kay dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella bilang bagong Undersecretary ng ahensya.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, naniniwala siyang magiging epektibong opisyal ng DFA si Abella.

Bilang dating tagapagsalita ng pamahalaan, inaasahang maihahayag ng maigi ni Usec. Abella ang foreign policy ng Duterte Administration at maisasakatuparan ang direktiba ng Pangulo na protektahan at pangalagaan ang mga Overseas Filipino Workers sa bawat sulok ng mundo.


Naniniwala din si Cayetano na magsisilbi bilang asset ng DFA si Abella.

Si Abella ay nagsilbi bilang Palace Spokesperson mula July 2016 hanggang October 27, 2017 at inaasahang pamumunuan ang strategic communications ng DFA.

Facebook Comments