
Nakatandang magbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office (FO) 7-Central Visayas ng tulong sa mga apektadong pamilya at indibidwal ng pagguho ng landfill da Barangay Binaliw, Cebu City.
Ito ay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.
Una rito, matapos ang pagguho ng landfill, nagsagawa ng assessment ang DSWD Field Office 7 sa lugar at nagbigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Agad nagpadala ang DSWD ng ready-to-eat food (RTEF) boxes at nagtayo ng mga tent na pansamantalang titirhan ng mga apektadong pamilya.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga local government unit o LGU para siguruhing mabibigyan ng tulong ang mga apektadong residente lalo na’t nagpapatuloy pa ang retrieval operation.










