Assistant ng guro, arestado dahil sa pakikipagtalik sa 3 estudyante

(Freepik Image)

TEXAS, US – Sinampahan ng reklamo ang kanang kamay ng isang guro dahil sa pakikipagtalik sa tatlong magkakaibang estudyante.

Sa report ng Texana Gazette, may bonong nagkakahalaga ng $150,000 o P7,407,150 ang ipinataw kay Ashlyn Faye Bell, 24, matapos madakip na nakikipag-sex sa isang 16-anyos at 17-anyos na lalaki noong nakaraang taon.

Nagtatrabaho bilang assistant ng guro sa Texarkana Independent School District si Bell noong Agosto hanggang Mayo 2019 at nagsimulang mambiktima ng mga kabataan noong Nobyembre.


Sa pamamagitan daw ng social media at SnapChat, nakikipagkita si Bell sa mga naturang mag-aaral na hatid sundo pa niya umano para gawin ang plano.

Naiulat na una siyang nakipagkita sa 17-anyos na binatilyo habang nasa bakasyon saka niya ito isinakay papunta sa kanyang bahay sa New Boston, Texas.

Natutulog pa raw ang anak nito sa backseat at nang maiuwi ay saka sinimulan ni Bell ang pakikipagtalik.

Isang 17-anyos din ang nagsalita sa mga imbestigador na madalas siyang magtungo sa bahay ng suspek para makipagsex.

Ang 16-anyos na biktima naman ay umaming nakipagtalik kay Bell matapos ang kanilang football game kung saan inuwi siya sa kanilang bahay ng alas 5:30 am.

May plano pa raw itong ulitin ang kanilang ginawa sa susunod na linggo.

Samantala, buwan ng Hunyo nang arestuhin si Bell na may two counts of improper relationship between educator and student at one count of sexual assault.

Sakaling mapatunayan ay haharap sa hanggang 20 taong pagkakakulong ang suspek.

Facebook Comments