Assistant Solicitor General, sinibak ng Malacañang dahil sa sexual harassment

Sinibak ng Palasyo ng Malacañang si Assistant Solicitor General Derek Puertollano dahil sa sexual harassment.

Ito ang kinumpirma ni Solicitor General Menardo Gueverra sa isang text message ngayong araw.

Ang pagkaka-dismiss ni Puertollano ay dahil sa administrative charges na inihain ng dalawang lalaking legal interns.


Batay sa desisyong ibinaba ng palasyo noong February 20, nagdulot ng trauma sa dalawang biktima ang ginawang panghihipo at pagtingin ni Puertollano sa maselang bahagi ng katawan ng mga biktima habang sila ay nasa business trip noong 2022.

Nabatid na umaapela pa si Puertollano sa desisyon ng Malacañang pero nakapagtalaga na si Solicitor General Menardo Guevarra ng Officer-in-Charge para sa nabakanteng posisyon nito.

Mismong si Guevarra rin ang nagrekomenda ng pagpapatalsik sa serbisyo at nagsampa ng kaso sa Malacañang.

Facebook Comments