Assistant To The President Bong Go, Itinangging Nagpatingin Sa Isang Cancer Hospital Sa China Si Pangulong Duterte Niton

15

MANILA – Itinanggi ni Assistant to the President Secretary Bong Go na nagpunta sa isang cancer hospital sa China si Pangulong Rodrigo Duterte.Kasunod na rin ito ng isiniwalat sa isang column ni dating Senador Francisco “Kit” Tatad – na saFuda cancer hospital sa Guangzhou, China nagbagong taon ang pangulo para magpatingin.Hamon naman ni Bong Go sa source ni Tatad, na i-check o i-verify sa mismong hospital at sa immigration ng China kung talagang nagpunta ang pangulo roon.Aniya, nasa Davao ang pangulo noong salubong sa bagong taon.Sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel – walang tinatago ang pangulo tungkol sa kanyang kalusugan.Sakali mang totoo – mismong ang pangulo anya ang magsasabi nito.Una nang itinanggi ng pangulo na may cancer siya at inamin lamang na may problema sa kanyang spinal cord matapos maaksidente noon sa motorsiklo.

Facebook Comments