ASSISTIVE DEVICE AT FINANCIAL ASSISTANCE, PATULOY NA IBINIBIGAY NG OVP CAGAYAN VALLEY

 

CAUAYAN CITY – Nananatiling bukas ang opisina ng Office of the Vice President (OVP) Cagayan Valley Satellite Office upang tumugon sa pangangailangan ng mamamayan ng Lambak ng Cagayan.

 

Kabilang sa mga tulong ng OVP ay assistive devices katulad ng wheelchair.

 

Personal itong inihahatid ng kawani ng ahensya sa mga benepisyaryo.
Halimbawa na rito si Ginoong Venturito A. Zilabbo, 87-anyos, mula sa Bagutari, Sto. Tomas, Isabela na hirap na sa paglalakad at hindi na rin nakakakita.


 

Samantala, maliban dito, araw-araw din na nagbibigay ng tulong pinansyal ang OVP para sa mga taong nangangailangan ng tulong lalo na sa usaping medikal.

 

Kabilang sa benepisyaryo nito ay si Ginang Gellie Aggabao, na humingi ng tulong para sa kanyang ama na kasalukuyang nasa ospital.

 

Hinihikayat naman ng OVP-CVSO ang lahat ng nangangailangan na magtungo lamang sa kanilang opisina para sa naangkop na tulong.

Facebook Comments