ASSISTIVE DEVICE, IPINAMAHAGI SA MGA PWDs SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Namahagi ng assistive device ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan sa ilang mga PWD’s kahapon ikatlong araw ng Oktubre.

Ang pamamahagi ay ginanap kasabay ng isinagawang Una Ka Dito City Hall On Wheels Caravan sa Brgy. Carabatan Grande, Cauayan City, Isabela kung saan personal na dumalo rito ang alkalde ng Lungsod ng Cauayan na si Hon. Jaycee Dy kasama ang mga City Officials.

Isa sa mga napamahagian ng wheelchair ay ang 87-anyos na si Lola Erlinda Rodriguez, kung saan labis na nagpasalamat ang anak nitong si Maria Alicum sa tulong na ibinigay ng LGU Cauayan sa kanila.


Samantala, bukod sa assistive device, namahagi rin ang pamahalaan ng Livelihood Assistance sa mga PWDs sa lungsod ng Cauayan, na kanilang magagamit sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

Facebook Comments