Nagpapatuloy ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa mga residente nito partikular ang mga senior citizens sa nasabing bayan.
Kalakip nito ang pamamahagi ng assistive devices katulad ng wheelchair, walker, cane, at egg crate foam na malaking katulungan ng mga senior citizens sa kanilang pamumuhay.
Saklaw pa ng pagpapalawig ng serbisyong ito ang pagbibigay ng mga kinakailangan nilang gamot bilang maintenance sa kanilang mga sakit gayundin ang pagfollow-up ng schedule sa kanilang doktor.
Pinagtuunan din ng pansin ang patuloy na pag-aayos ng serbisyo ng ambulansya na siyang magagamit sa panahon ng emergency at kahit pa regular na mga araw na pagpunta ospital.
Samantala, isa ito sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas na may layong makapagbigay ng pagmamahal, pangangalaga, at pakikiramay sa panahon ng kanilang katandaan. |ifmnews
Facebook Comments