ASSOCIATE JUSTICE POST | CA Justice Manuel Barrios, nanguna sa botohan ng SC

Manila, Philippines – Nanguna sa botohan ng Supreme Court (SC) justices para sa associate justice post si Court of Appeals Justice Manuel Barrios.

Partikular sa binakanteng pwesto noon ni retired Chief Justice Teresita Leonardo de Castro nang mahirang siya bilang punong mahistrado.

Sumunod naman kay Barrios na nakakuha ng 12 votes, ang kanyang mga kapwa CA Justices na sina Rosmari Carandang – 11 votes, Japar Dimaampao – 10, Ramon Garcia – 9 votes, Edgardo Delos Santos – 8, Apolinario Bruselas – 7 at Amy Lazaro-Javier na may 6 na boto.


Nakakuha rin ng anim na boto si dating Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva.

Labing-dalawa ang mga aplikante sa nasabing pwesto at ngayong araw ilalabas ng Judicial and Bar Council (JBC) ang kanilang shortlist na isusumite sa Pangulong Duterte.

Facebook Comments