ASSOCIATE JUSTICE POST | Mga mahistrado ng SC, nagbotohan na

Manila, Philippines – May napili na ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa hanay ng mga aspirante sa associate justice post.

Bukas, pormal na iaanunsyo ng Supreme Court ang mga aspiranteng nanguna sa botohan.

Ang naturang listahan ay isusumite ng Korte Suprema sa Judicial and Bar Council para pagbatayan ng ilalabas nilang shortlist.


Isasalang din sila sa public interview ng JBC.

Kasama sa kabuuang labing-dalawang mga aplikante sa associate justice post , ang siyam na mga mahistrado mula sa Court of Appeals.

Facebook Comments